Pagsasalin sa Kontekstong Filipino_Second_2425_Section_BAJOUMN 1-1
Section 1-1

  • Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik-salin) na nakalapat sa konseptong Filipinolohiya, sa pag-unawa sa kahulugan, teorya at kahalagahan ng pagsasapraktika ng pagsasalin tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. 
  • Ang Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay asignaturang Filipino na tatalakay sa kahalagahan ng Wikang Pambansa salig sa mga wikang katutubo. Sasaliksikin ang mga tekstong naisalin batay sa industriya o/at larang. Susuriin at isasalin ang mga tekstong pampanitikan, teknikal at espesyalisadong disiplina na tumutugon sa kalagayan at pangangailangan ng lipunang Filipino na mahigpit na nakayakap at nakalapat sa makabansang kaisipan.